OYSTER MUSHROOM

Mushroom production

Oyster Mushroom



Ang hanap-buhay na mag produce ng kabute ay napakagandang pagkakitaan,  sa ngayon napakataas na ng demand, maliit lang ang puhunan kumpara sa kitaan. Ang osyter mushroom(Pleurotus spp.)
ang pinakamadaling paramihin, angkop na angkop sa ating panahon at kondisyon, at available ang mga gagamitin, maliit ang espayong kailangan sapagkat kabilang ito sa tawag na Vertical farming.  Ang Oyster Mushroom ay ibinibilang na isang gulay,  rank above all vegetable and legumes (liban lang sa soy bean) in protein content and have significant levels of B and C vitamins, mineral and are low in fat.
Ang technology, gamit at mga paraan ay hindi lihim  napakarami nang information sa youtube/google. o kaya ay sa DA/BPI Manila. At higit sa lahat walang harang sa pagpapalaki at sa pag-unlad.

OYSTER MUSHROOM
Ang mga paraan sa pagkakabute

Ang paggawa ng pure culture.

Ang una natin dapat malaman ay ang paggawa ng pure culture/tissue culture,  ang pinaka komplikado sa lahat sapagkat kailangan dito ay 100% kalinisan.
Ito rin yong sinundan ko ng una, pero sa sunod bili na.

Ang una ay maghanda ng culture media, kumuha ng magandang patatas talupan,
hiwain ng 2cm cubes, kailangan 200g. Magpakulo ng 1L ng distilled water, pag kumukulo na itambog ang patatas 10minutes, Palamigin ng konte, salain, alisin ang patatas, natira potato decoction, dagdagan ng distilled water para maging 1L muli, pakuluing muli, dagdagan ng 20grams of agar/colorless gelatin  haluin mabuti, dagdagan ng 20grams of dextrose powder(sa botika meron) haluin mabuti pag na dissolves na, at ahunin.
Maglinis ng mga bote(maganda lapad) lagyan ng mga 50ml ng mixture bawat isa habang mainitinit pa, pasakan ng bulak ang bunganga, takpan ng 2magkapatong na papel at talian ng lastiko.
Sterilize sa pressure cooker na may tubig. 15psi ng mga 20minutes. huwag pababain ang presure, mababasag ang bote,  hayaan bumaba ang pressure ng  natural hanggan zero, kunin ilagay sa malinis  na lalagyan ng naka slant ng bahagya.
tapos na ang ating culture media.

Ang susunod ay dapat gawin sa isang  secure na lugar, para maiwasan ang contaminant panuorin yong picture sa baba.
Kumuha ng bata at malusog na  osyter mushroom [kung wala pwdi ung naka styro sa grocery fresh] linisin ng 70% alcohol by rubbing a cotton swab, sterilized forceps at scalpel ito ay gagamitin sa paghiwa at panghawak sa oyster, kumuha ng tissue  sa inner portion at least 1cm and plant on slanted  culture media, Incubate at room temperature  hanggang mapuno ng mycelia ang culture media
Gawa na ang pure culture, the mother spawn.

Ang paggawa ng grain spawn
Kumuha ng grains  ayon sa gustong dami(sorghum/wheat grains mas maganda) linisin mabuti, ilagay sa casserole, lagyan ng tubig, lutuin hanggang sa may pumutok, haluin mabuti para pantay ang luto, hanguin, drain, spread sa cloth sa babaw  ng mesa, patuyuin bahagya, pag tuyo na, mga 65%MC. Ilagay sa bote, pasakan ng bulak, takpan ng papel, talian ng lastiko.
Sterilize sa pressure cooker sa may tubig, 15psi/mga 1/2hour mula ng mag whistle. huwag pababain ang presure, mababasag ang bote,  hayaan bumaba ang pressure ng  natural hanggan zero,
kunin ilagay sa malinis
sa isang  secure na lugar tapos na ang ating grain media.

Balik sa ating Mini Lab




 Tayo'y magtanim, balik sa mini lab, linisin muli, spray ng 70% alcohol, ipunin sa loob ang lahat ng kailangan;  pure culture, grain media, denatured alcohol lamp, forcep, scalpel. at iba pa,  spray muli ng konte at discarte.
Incubate at room temperature hanggang sa makulapol/impregnated ng puti ang butil,
gawa na ang grain spawn.

Ang paggawa ng fruting bags

Maghanda ng kusot/sawdust(marami ang pwding gamitin/ito ang akin) 78%, darak(D-1)/rice bran 20%, agricultural lime/apog at brown sugar tig 1%,  pwdi molasses 1kl din, Haluing mabuti ung apat para pantay at basain mga 65% to 75%MC-Moisture Content, paano malalaman ang MC, dumakot sa mixture, pigain pag walang tumulong tubig bitiwan, pagnanatiling  medyo buo abot na ang MC. Ang test na ito ay muling gagawing bago mag bagging.
Ang halo ay ipunin na parang bundok, takluban ng plastik mga 7 to 10 araw para lutuin(partially decompost), kada 2araw haluin at ibalik sa dati.
Ito'y mahirap  ma-perfect,  experience ang kailangan sa huli ma-perperfect din yan.

Bagging



Pack the substrate in not-so-loose-or-so-compact in 6X12 plastic bag, collect the
upper part of the bag and pass it through a plastic ring and pull the plastic ring down thus
making the mouth of the bag. Plug each with cotton, cover it with paper, and tie with rubber band.

Please send us suggestions  and  comments,
and email us,  nutralife@gmail.com

No comments:

Post a Comment